KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang dalawang iniulat na nawawala sa nasunog na MV Asia Philippines ay sumakay sa ibang barko.
“After checking, our joint team has confirmed that the two allegedly missing passengers took the 5 pm, not the 3 pm, vessel trip,” ayon sa PCG.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagbeberipika ng PCG search and rescue team at katuwang na mga ahensya ng gobyerno sa paghahanap sa mga pasahero.
“All passengers and crew have been accounted for. Ligtas po ang lahat, habang isa naman po ang naitalang injured,” ayon pa sa PCG.
Sa kabuuan, nasa 85 indibidwal lang ang sakay ng barko sa halip na 87 gaya nang unang iniulat.
Dahil dito, sinabi ng PCG na tinapos na ang kanilang search-and-rescue operations.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nakatutok sila ngayon sa imbestigasyon upang mabatid ang dahilan ng sunog.
Wala ring nakitang oil spill sa nasabing katubigan bagama’t may lamang nasa humigit-kumulang 16,000 litro ng automotive diesel oil ang fuel tank ng MV Asia Philippines.