“Buhay sa Gulay” project, inilunsad sa Caloocan

Share this information:

PINANGUNAHAN nina Caloocan City Mayor Oca Malapitan at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang paglulunsad ng “Buhay sa Gulay Project” sa Sunriser Village, Barangay 167, Caloocan City.

Layunin ng programang ito na ipamulat ang kahalagahan ng pagsasaka sa kalunsuran at matulungan ang mga mahihirap na komunidad na mabawasan ang kahirapan, kagutuman at makatulong sa seguridad sa pagkain.

Kasabay nito, pumirma rin si Mayor Oca at Sec. Castriciones ng Memorandum of Agreement hinggil sa proyekto na layuning dalhin sa kalunsuran ang pagtatanim upang makatulong sa seguridad sa pagkain.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Oca ang kaniyang pasasalamat kay Sec. Castriciones at sa lahat ng bumubuo ng proyekto para sa pagpili sa lungsod bilang isa sa mga benepisyaryo ng napapanahong proyekto.

Ayon naman kay Sec. Castriciones, ang proyektong urban farming ay isang self-help start-up livelihood project kung saan ang mga katuwang na mga ahensiya ng pamahalaan at organisasyon ay nagsasama-sama, nagbabahagi ng mga kinakailangang gamit at nag-aalok ng mga oportunidad upang mabigyang kakayahan ang mga residente sa kalunsuran na makapagtanim ng kanilang mga makakain at mabigyan sila ng mapagkakakitaan.

Katuwang din ng DAR sa proyektong ito ang Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority, Bread Society International, at Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) ng DAR.

(Photo credit: dar.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

A promise is a promise

Sat Feb 13 , 2021
It was supposed to be a perfect plan, where 18-year-old full-blooded top Pinoy NBA prospect Kai Sotto will strut his US-trained stuff during the third window of the FIBA Asia qualifiers scheduled this month. But when it seemed things were supposed to go the way it was planned, it didn’t […]

Follow Us

%d bloggers like this: