Buboy Villar inaming hindi na sila magkakabalikan ng kanyang ex-gf na si Angillyn Gorens

MALABO na umanong magkabalikan pa sa pagiging magkasintahan sina GMA Kapuso Star Buboy Villar at dati nitong karelasyon na si Angillyn Gorens.

Ito ang naging pag-amin ni Villar nang tanungin siya ni Mikee Quintos, ang host ng show ng “Lutong Bahay,” sa nakaraang episode ng naturang programa.

“Hindi na,” saad ni Buboy sa segment na “Kitchen-terrogation.” “Parang ‘di ko rin ma-explain pero ayaw ko kasing ipilit ‘yung mga bagay na hindi na.”

Sinabi ni Villar na masaya siya sa co-parenting set-up nila ni Angillyn, at nakatutok pareho ang atensiyon nila sa kanilang dalawang anak.

“Masaya ako sa sitwasyon namin ngayon dahil naka-focus kaming dalawa sa mga anak namin. Wala kaming gusto sa future kundi mapaganda ang kinabukasan ng mga anak namin,” pahayag ng aktor.

Taong 2016 nang maging engaged sina Buboy at Angillyn. Taong 2020 nang kumpirmahin nila ang kanilang paghihiwalay, at lumipad pa-Amerika si Angillyn.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, naging magkabigan pa rin sina Buboy at Angillyn, na may dalawang anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Noong Marso, nakitang magkasama sina Buboy at Angillyn, kasama ang kanilang mga anak at kaibigan.

Ipinaliwanag i Buboy sa GMA News Online noong Sepyembre na bahagi ng co-parenting ang pagsasama nila ni Angillyn, na nakabase na sa US.

“Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other. Dapat love lang,” saad ng aktor.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.