Breaking News

Share this information:

PORMAL na ring lumahok ang broadcaster na si Raffy Tulfo sa May 9, 2022 national and local elections matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador nitong Sabado, ang ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang magtungo ang vlogger, TV at radio anchor sa Commission on Elections (Comelec) tent sa Sofitel Philippine Plaza sa Pasay City upang maghain ng kanyang kandidatura.

Nabatid na tatakbo si Tulfo bilang isang independent candidate.

Nauna rito, nitong Biyernes ay nagpaalam na si Tulfo sa primetime newscast ng TV5 na “Frontline Pilipinas,” kung saan nagsisilbi siyang anchor ng halos isang taon na.

“May halong lungkot at saya ang aking nararamdaman ngayon sa aking gagawing pagpapaalam sa inyo dito sa ‘Frontline Pilipinas,” pahayag ni Tulfo.

Sinabi nitong isang malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang news organization.

Isang [itong] karangalan na mula ngayon at magpakailanman ay nakatatak na sa aking puso, at aking maipagmamalaki saan man po ako makakarating,” dagdag pa nito.

Bukod sa kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, kilala rin si Tulfo sa kanyang YouTube program na “Raffy Tulfo in Action” na sa ngayon ay mayroong 21.7 milyong subscribers

(PHOTO CREDIT: Raffy Tulfo in Action Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: