BOC, naglabas ng dagdag na 67 Show Cause Order sa loob ng anim na buwan sa taong ito

SINABI ng Bureau of Customs (BOC) na nakapaglabas ito ng 67 na karagdagang “Show Cause Order” mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito dahil sa pinalakas na kampanya laban sa katiwalian at integridad

Naging dahilan ito ng pagkakatanggal, pagsuspinde, pag-relieve at reshuffling ng mga tiwaling empleyado ng BOC.

Isinailalim ng Customs Imtelligence and Investigation Service(CIIS) ang 333 personnel investigators sa ilalim ng parehong timeline na nagresulta sa pitong mga kasong administratibo sa BOC- Legal Service at pito pang kaso na ipinadala sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na sa kampanya ng BOC sa pagsugpo sa katiwalian, tatlong tauhan ang natanggal at pito ang sinuspinde, 27 naman ang na-relieve at 249 na empleyado ang na-reshuffle sa iba’t-ibang opisina at daungan sa loob ng unang kalahating taon dahil sa irregularidad.

Dagdag pa rito, sa pagsisikap para sa reporma ng organisasyon na binuo ng may kahusayan at transparency, tiniyak ng BOC na matatapos ang kanilang Performance Governance System (PGS) journey sa loob lamang ng dalawa at kalahating taon na ang pagkumpleto sa fourth at final stage ay naganap noong Abril 2022.

Sa apat na yugto ng PGS, ang bureau ay tuloy-tuloy na nakakuha ng pinakamataas na parangal, ang Gold Governance Trailblazer award.

Dagil dito, ipinagkaloob ng Institute for Solidarity in Asia (ISA) sa ahensya ang PGS Institutionalized Status at kinikilala ang BOC bilang Island of Good Governance.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.