Binatilyo nagbigti sa Malabon

Share this information:

NATULUYAN na ang paulit-ulit ng pagtatangkang magpakamatay ng isang 16-anyos na binatilyo matapos itong matagpuang nakabigti sa kisame ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10:10 ng gabi nang madiskubre ni Arlin Cruz Jr., 33 anyos at isang vendor, ang binatilyong biktima na nakabigti sa celling-brace ng kanilang bahay sa No. 87 Caingin 2, Brgy. Tinajeros gamit ang sintas ng sapatos.

Agad kinalas ni Cruz ang sintas ng sapatos at humingi ng tulong sa mga kapitbahay saka mabilis na isinugod ang biktima sa Ospital ng Malabon subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Sinabi ni Col. Barot na unang pumunta si Cruz sa bahay ng biktima matapos siya nitong imbitahan sa pamamagitan ng chat messages na mag-inuman subalit laking gulat niya nang makita na nakabigti ang binatilyo sa kisame.  

Sa pahayag sa pulisya ng ina ng biktima, ang kanyang anak ay paulit-ulit nang nagtatangkang magpakamatay subalit, palagi niya itong naaawat.

Ayon sa pulisya, nag-execute ng isang waiver of investigasyon ang pamilya ng biktima na naniniwala at kumbinsido sila na walang anumang foul play sa naturang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pregnant cop succumbs to COVID-19

Mon Oct 18 , 2021
THE Philippine National Police (PNP) logged another fatality due to COVID-19 to bring total deaths in the PNP to 123. The fatality is a pregnant policewoman assigned in Central Luzon. She died last October 17 due to Acute Respiratory Syndrome secondary to COVID-19. Based on her medical records, the patient […]
%d bloggers like this: