Binatang wanted sa pagpatay, laglag sa Valenzuela Police

Share this information:

WALANG kawala sa mga tauhan ng Valenzuela police ang isang 19-anyos na binata na wanted sa kasong murder matapos itong nasakote sa isang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Meycauayan, Bulacan.

Ang arestadong suspek ay kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, na si Aldrin Dalagan at nakatira sa No. 220 Encarnado Compound, Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap si PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police ng impormasyon na nakita ang akusado, na isa sa mga most wanted ng lungsod, sa kanilang lugar kaya agad silang nagsagawa ng validation.

Nang mapatunayang positibo ang impormasyon, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS sa pangunguna ni PLt. Madregalejo, kasama sina PSSgt. Archie Castillano, PSSgt. Raul Quimbo, PSSgt. Erwin Castro, PSSgt. Jonathan Garcia, PCpl. Jeffrey Natural, Jr., Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLt. Armando Delima, Patrolman Jerick Melad, Patrolman Roniel Reyes Jr., at PEMSgt. Arnel Cristobal at 5th Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion, National Capital Region Police Office (MFC-RMFB-NCRPO) na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:02 ng Huwebes ng hapon sa Gulod Street, Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay PSSgt. Junrey Singgit, isinilbi ng pulisya sa akusado ang isang Order to Take Custody para sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City na may petsang July 21, 2022.

Wala ding inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.