Bilang ng mga taong nalason sa pagkain sa isang hotel sa Subic, pumalo na sa 132

TINATAYANG umabot na sa 132 katao ang iniulat na isinugod sa iba’t-ibang ospital sa Subic Bay Freeport at Olongapo City matapos umanong malason sa kanilang kinain sa Travellers Hotel and Event Center sa Subic Bay Freeport.

Ayon sa inisyal na ulat ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), sinasabing bahagi ang grupo ng nasa 335 na mga miyembro ng delegasyon ng Sangguniang Kabataan (SK) na nagmula sa Pangasinan.

Ang delegasyon ng SK ay dumalo sa isang seminar activity na ginanap sa Subic Bay Freeport, ayon kay Deputy Administrator Armie Llamas, Head ng Public Affairs Department ng SBMA.

Karamihan sa mga nabiktima na hindi gaanong naapektuhan ay pinauwi na matapos ang isinagawang clinical evaluation.

“The incident of alleged food poisoning that happened earlier is currently being addressed by the hotel, with the assistance of the Subic Bay Metropolitan Authority, in collaboration with the City of Olongapo,” ayon kay Llamas.

Kasalukuyan namang nag-iimbestiga na ang mga awtoridad sa nangyaring insidente, dagdag pa ni Llamas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.