Biktima ng “mail-order bride scheme,” naharang sa NAIA

ISANG biktima ng “mail-order bride scheme” na patungo sana ng China at nagawa pang makapagpakita ng genuine na dokumento ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kamakailan.

Ayon sa mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), naharang nila ang isang 20-anyos na babae na hindi pinangalanan at may kasamang isang 34-anyos na lalaking Chinese bilang escort.

Sinabi ng biktima na patungo sana ito sa Shenzhen, China kasama ang umano’y kanyang asawa  at pasakay sana ng Air Asia flight sa nasabing terminal.

The immigration officer said both the victim and the suspect acted very suspiciously when asked about their supposed marriage,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

Bunsod nito, ini-refer sila sa mga opisyal ng I-PROBES kung saan hindi masagot ng biktima ang ilang mga katanungan hinggil sa kanilang pagpapakasal. Nagpakita pa ang babae ng katibayan na ikinasal sila sa isang restaurant sa Pasig City, isang dokumento na ayon sa BI Documents Laboratory ay genuine.

“However, our officers were alert enough to be suspicious of their statements, having seen several cases like it before,” ani Tansingco.

Pero sa bandang huli ay inamin ng biktima na wala talagang naganap na kasalan at ang kanilang marriage certificate ay inayos lamang ng kanyang Chinese escort  sa pamamagitan ng isang ahente.. Inamin nila na nagbayad sila ng halagang P45,000 para sa pag-proseso ng genuine na dokumento bagama’t peke ang mga detalye.

This is obviously another case of the mail-order-bride scheme that has resurfaced recently,” ani  Tansingco.  “In this scheme, victims are made to pretend to be the spouse of a foreign national, but they end up as pseudo wives doing domestic work in their destination,” dagdag pa nito.

Ang dalawa ay nai-turn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.