BI, naghanda ng rapid response team

NAGHANDA ang Bureau of Immigration (BI) ng isang rapid response team na naka-standby para dagdagan ang operasyon nito sa gitna ng pagdami ng mga opisyal nito na apektado ng COVID-19.

Ipinahayag ni BI Commissioner Jaime Morente na naglabas siya ng direktiba para sa 155 immigration officers at acting immigration officers na magbigay ng suporta at pansamantalang magbigay ng tungkulin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA).

These back-up officers will serve as augmentation to render primary inspection duties as some of our frontliners are on quarantine and battling COVID-19,” said Morente.

Binubuo ng mga opisyal at acting immigration officers ang augmentation team na itinalaga sa iba’t-ibang  back-end offices sa kanilang Port Operations Division (POD) gayundin sa kanilang main office at iba pang opisina sa Metro Manila.

Nitong Huwebes, nakapagtala ang BI ng kabuuang 158 COVID-positive na kaso sa kanilang mga empleyado na nakatalaga sa POD, 132 sa mga nakatalaga sa NAIA, habang ang 14 ay nakatalaga naman sa CIA.

 Nakapagtala rin ang kanilang NAIA operations ng kabuuang 180 opisyal na naka-quarantine dahil sa pagkakalantad sa mga kaso ng COVID-positive.

We are keeping our augmentation team on standby to be deployed immediately if the number of officers affected rises further,” sabi pa ni Morente.

Ayon kay Morente, ang kanilang opisina ay nagbibigay ng swabbing sa pamamagitan ng kanilang Medical at Dental Section para sa kanilang mga empleyado, pati na rin ang COVID-19 vaccines, boosters, at Pneumococcal vaccines.

We have a COVID Task Force in charge of crafting proactive measures to fight this virus, as well as ensure that protocols are strictly implemented,” dagdag pa ng opisyal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.