BI nabs Russian vlogger in Taguig

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Russian vlogger na di-umano ay nanggugulo sa mga Pilipino sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, 33 anyos, ay nag-viral sa social media kamakailan dahil sa mga sinasabing video nito na nagpapakita ng hindi nito paggalang sa mga kaugalian at batas sa Pilipinas.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., bahagi ng pagsisikap ng gobyerno ay ang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at ipagtanggol ang dignidad ng mga Pilipino na siyang dahilan sa pag-aresto sa banyaga.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na bagamat malugod na tinatanggap ang mga banyaga sa ating bansa, inaasahan na igagalang nila ang ating mga kaugalian at batas.

Nag-ugat ang insidente nang mag-post si Vitaly ng mga video kung saan nanggugulo siya sa mga Pilipino sa BGC.

Isinagawa ang pag-aresto sa banyaga sa koordinasyon ng Philippine National Police (PNP) Makati at ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

Si Vitaly ay kasalukuyang nakadetine sa BI facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig, habang hinihintay ang proseso ng deportasyon nito.

Walang puwang sa ating lipunan ang panggugulo at nakakagambalang ugali, at magsasagawa kami ng agarang aksyon laban sa mga lumalabag,” ayon kay Viado. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.