Bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

Share this information:

NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng ahensiya na naitala ang pagyanig sa lalim na 15-kilometro dakong alas-12:08 ng tanghali. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Naitala ang Intensity IV sa Sablayan at Rizal sa Occidental Mindoro; Intensity III sa Abra De Ilog, Santa Cruz at Calintaan sa Occidental Mindoro; Calapan City at Bansud sa Oriental Mindoro; Intensity II sa Makati City; Batangas City; Baco, Oriental Mindoro at Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; at Tingloy, Batangas.

Kung pagbabatayan ang instrumental intensities, naitala ang Intensity IV sa Calapan City, Oriental Mindoro; Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity II sa Roxas, Oriental Mindoro; San Jose, Occidental Mindoro; Batangas City at Intensity I sa Tagaytay City, Cavite; Mulanay, Mauban, Gumaca at Dolores, Quezon, paliwanag ng Phivolcs.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

SBMA sends rescue team, gathers donations for "Odette" victims

Tue Dec 21 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT — The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) recently deployed an 11-man rescue team to areas devastated by Typhoon Odette to provide assistance in emergency operations. SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma said the team went to Siargao Island in Surigao del Norte, where Typhoon Odette (international name: […]
%d bloggers like this: