Barkong pandigma ng US Navy, dumaong sa Port Area sa Maynila

Share this information:

DUMAONG ngayong Setyembre 27 sa Port Area Manila ang USS Tripoli (LHA-7) isang US Navy amphibious assault ship, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang pagdating ng USS Tripoli sa bansa ay isang “port call” lamang.

Nang tanungin ang PCG”tungkol sa detalye ng “port call” ng USS Tripoli, sinabi ng PCG na wala silang “further information” kaugnay sa nasabing pagbisita ng pandigmang barko ng Estados Unidos.

Pero nauna nang inanunsyo ng US Navy na ang USS Tripoli Amphibious Ready Group ay nag-ooperate sa South China Sea “upang mapahusay ang interoperability sa mga kaalyado at kasosyo at magsilbi bilang isang pwersa na handang tumugon upang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Habang nakadaong sa Manila port, ipinakita ng USS Tripoli sa flight deck nito ang ilang unit ng Lockheed Martin F-35B Lightning II, ang fifth-generation stealth multi-role combat aircraft na nakatalaga sa Marine Fighter Attack Squadron 121 (VMFA-121) ng US Marine Corps.

Ang USS Tripoli at sister ship na USS America (LHA 6), ay unang namataan habang bumibiyahe sa Philippine Sea noong nakaraang linggo.

Sinabi ng Pacific Fleet ng US Navy na ang Helicopter Sea Combat Squadron (HSC) 23 nito at ang naval air crewman ay nagsagawa rin ng search and rescue (SAR) swimmer training sakay ng USS Tripoli habang siya ay naka-deploy sa Philippine Sea.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.