Barko ng Coast Guard, nagsagawa ng “ferry mission” sa Dinagat Islands

Share this information:

NAGTULONG-TULONG ang ilang ahensya ng gobyerno sa pagliligtas at paghahatid sa mga stranded na indibidwal matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sakay ng BRP Sindangan (MRRV-4407), ang barkong ito ng PCG ay nagsagawa ng ferry mission para sa 250 stranded na mga indibidwal mula San Jose Port, Dinagat Islands papuntang Port of Surigao City. 

Katuwang din ng PCG ang Police Regional Office 13 sa nasabing misyon.

Naisakay din sa naturang barko ang 22 motorsiklo at isang bisikleta na pagmamay-ari ng mga natulungang indibidwal. 

Ang ferry mission sa Dinagat Islands ay bahagi ng malawakang operasyon ng PCG alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong #OdettePH. 

(PHOTO CREDIT: Philippine Coast Guard)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Duterte to sign national budget by yearend -- Sotto

Wed Dec 22 , 2021
SENATE President Vicente Sotto III said he expects President Rodrigo Duterte to sign the P5-trillion national budget before the end of the year. He said he will sign the proposed bill before sending it to the Palace on Thursday. The proposed national budget, which both houses of Congress approved last […]
%d bloggers like this: