Barangay Chiefs sa Maynila, pinakikilos sa mahigpit na health protocols

Share this information:

NAGPALABAS na ng memorandum si Manila Mayor Francisco Domagoso para sa mga punong barangay sa lungsod upang mahigpit na ipatupad ang health protocols sa lungsod.

Sa harap ito ng muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa direktiba ng alkalde, ibinabala rin nito ang paghahain ng parusang administratibo laban sa mga barangay chairman na mabibigong ipatupad ang curfew hours, physical distancing, at pagsusuot ng facemask at faceshield.

Mahigpit ding ipinamomonitor ang pagpasok ng hindi mga residente sa bawat barangay at iniutos ang regular na pagpapatrulya ng mga tanod.

Nakasaad din sa direktiba ni Domagoso ang pagpapatupad ng City Ordinance 5555 o ang patungkol sa pag-iinom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Kahapon ay nakapagtala ang Maynila ng 226 na bagong COVID-19 cases.

Nasa 1,246 ang active cases ngayon mula sa kabuuang naitala na 30,119 confirmed cases habang nasa 823 na ang mga nasawi sa infection pero nasa kabuuang 28,050 naman na ang recoveries matapos madagdagan ng 184 kahapon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH, PGC confirm Brazilian variant in PH

Sat Mar 13 , 2021
The Department of Health (DOH), the University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), and the University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) confirmed the detection of P.1 variant (so-called Brazilian variant). The one (1) case found with the P.1 variant is a Returning Overseas Filipino (ROF) from Brazil. Additional information […]

Follow Us

%d bloggers like this: