Breaking News

Share this information:

ISANG sangay ng China Bank na matatagpuan sa Otis, Pandacan, Maynila ang pinasok at hinoldap ng umano’y nag-iisang suspek ngayong Lunes ng hapon.

Base sa inisyal na impormasyon mula kay Manila Police District (MPD) Director Brig. General Leo Francisco, ala 1:56 ng hapon ng holdapin ang bangko.

Sa natanggap na impornasyon ni BGen. Francisco, nakamotorsiklo ang nag-iisang suspek ngunit inaalam pa rin ng mga operatiba kung mayroong nagsilbing look out sa panghoholdap.

Ang mga CCTV sa lugar ay tinitingnan na rin ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at iba pang mga posibleng detalye ng buong pangyayari.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya na umabot na ng ilang oras mula nang mangyari ang insidente kung saan kinordonan na rin ang paligid  habang ang mga empleyado ay nasa loob pa ng bangko para sa gagawing pagsisiyasat na maaaring makapagbigay ng iba pang detalye.

Hindi pa batid kung magkano ang halagang natangay ng suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: