Biktima ng ‘EJK’, natalisod sa Laguna

Share this information:

LAGUNA – NATAGPUAN ang isang lalaking inilagay sa loob ng isang asul na drum at hinihinalang itinapon lamang sa bayan ng Mabitac, Laguna araw ng Biyernes.

Nakagapos ang mga kamay nito at may mga tama ng bala ng baril sa dibdib at ilang bahagi pa ng katawan ng marekober ang bangkay ng hindi pa matukoy na lalaki sa Manila East Road sa Barangay San Miguel.

Ipinagbigay alam sa pulisya ng isang katiwala ng farm matapos makita ang bangkay na nakasuot ng kulay pula na pang-itaas.

Tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 anyos at may taas 5’10” ang biktima.

Walang nakita ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan habang nakalagak sa punerarya ang bangkay ng sinasabing biktima ng ‘extra judicial killing’.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.