Bakuna center, bubuksan sa EDSA para sa publiko

Share this information:

MAGBUBUKAS ang Philippine Red Cross  (PRC) ng “Bakuna Center”  EDSA para sa pangkalahatang publiko  na gustong magpabakuna.

Ito ang tinuran ni PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon.

We are going to open a Bakuna Center right smack in the middle of EDSA to accommodate the clamor of the people who are looking to get vaccinated.”

Ang testing at vaccination, aniya, ang pinakamainam na sandata na mayroon ang bansa at ang PRC ay makakapagbigay ng tulong sa mga kababayan na malagpasan ang pandemya na mahigit isang taon na.

Maliban sa planong maglagay ng EDSA Bakuna Center na matatagpuan sa kanto ng Boni Avenue, ang PRC ay nakapagtayo na ng 13 vaccination centers sa buong bansa.

Ito ay matatagpuan sa PLMC-Mandaluyong, Pasay, Port Area Manila, Kabaka Manila, Letran Manila, Tarlac Citywalk Mall, Ever Gotesco Quezon City, Bulacan, Cavite – Bacoor, Arcovia Mall Pasig, San Lorenzo Mall Makati, Zamboanga City – ZAMCELCO, at Iligan City. 

Ayon pa kay Gordon, mayroong 17 pang Bakuna Centers na bubuksan ang PRC sa Luzon, Visayas at Mindanao sa darating naga linggo.

Dagdag pa nito, nakapagbakuna na ang PRC ng halos 50,000 indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.