“Bakuna Bubble,” hindi pa maaaring ipatupad — DOJ

Share this information:

IPINAHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa maaaring ipatupad ang “Bakuna Bubble” o ang paghihiwalay sa mga bakunado doon sa mga hindi pa dahil maituturing na diskriminasyon ang naturang polisiya.

Ayon  kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, hindi pa mandatory ang pagpapabakuna sa ngayon dahil na rin sa kakulangan pa ng suplay ng bakuna at hindi kaya na maialok ang bakuna sa general population. 

Sinabit ni Guevarra na may sinusunod na protocol ngayon sa pagpapabakuna at hanggang A4 pa lamang ang maaring bakunahan, dagdag pa dito na may special conditions ang ilan tulad ng allergies at contraindications kaya ayaw pang magpabakuna.

“Kung ngayong panahon i-implement itong ganitong klaseng proposal, malamang ito ay ma-challenge legally for being discriminatory,”  ani Guevarra. 

Sakaling may sapat ng suplay ng bakuna para sa lahat ay wala na umanong dahilan para tumanggi pa ang mga ayaw magbakuna, at dito na maaaring ipatupad ang “Bakuna Bubble.” 

Magugunitang inirekomenda ni Trade and Industry Sec  Ramon Lopez na payagan na ang nga fully vaccinated na  makapasok sa mga business establishments na hindi pa pinapayagan mag operate sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.