Bagyong Vicky napanatili ang lakas habang papalabas ng PAR

Napanatili ng Tropical Depression Vicky ang lakas nito habang patuloy na kumikilos patungong Northern at Central portion ng Palawan.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA kaninang alas-onse ng umaga, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Northern at Central portions ng Palawan kabilang Calamian, Cuyo, Cagayancillo, at Kalayaan Islands.

Huling namataan ang bagyong Vicky sa layong 220 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ng pa-Kanluran ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Tinataya ng PAGASA na kikilos patungong Sulu Sea at magla-landfall sa bisinidad ng Northern o Central portion ng Palawan mamayang gabi.

Bukas ng hapon o gabi inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon o gabi.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.