Bagyong Gorio, nakalabas na ng Pilipinas pero lumakas pa

LUMAKAS pa ang bagyong Gorio bagamat nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Miyerkules ng hapon.

Batay sa severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-kuwatro ng hapon nang lumabas ng teritoryo ng bansa ang bagyo.

Gayunman, bagamat nasa labas na ng PAR ay posible pang lumakas at maging tropical storm ang bagyong Gorio.

Huling namataan ang bagyo sa layong 800 kilometro ng dulong hilagang Luzon at taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Samantala, dahil pa rin sa epekto ng southwest monsoon, makararanas ng maulang panahon sa Ilocos, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan, Zambales, at Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.