Nakapagtala muli ng higit na dalawang libong bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw ang Department of Health (DOH).
Sa Case Bulletin ng DOH na inilabas ngayong araw, sumampa na sa 580,442 ang bilang ng mga tinatamaan ng naturang sakit dahil sa karagdagang 2,067 na bagong kaso.
Nasa 534,463 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling dahil sa karagdagang 144 na recoveries.
Ang mga pumanaw naman ay nadagdagan pa ng 47 dahilan para umabot na sa kabuuang bilang na 12,369.
Samantala, ang aktibong kaso ay nasa 33,610. Halos 94.6 percent naman ang mild at asymptomatic na kaso.
Nakapagtala rin ng 60 duplicates na inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recoveries.
Nasa 30 naman ang na-tag na recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.
Walo naman sa mga licensed laboratories ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System kahapon.