Bagong itinatayong building sa PUP Sta. Mesa, 50 percent tapos na, ayon sa DPWH

Share this information:

IBINAHAGI ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na minamadali na ng ahensiya ang pagkumpleto sa ginagawang construction ng four-storey Open University System Building ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Mabini Campus nito sa Sta. Mesa, Maynila.

Sinabi ni DPWH National Capital Region (NCR) Director Loreta Malaluan sa kanyang report kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang mga civil works sa bagong gusali ng PUP ay kasalukuyang 50 porsiyento nang kumpleto.

Layon ng proyekto na makapagbigay ng mas magandang learning facility para sa mga mag-aaral.

Magbibigay rin ito ng pagkakataon para sa mga estudyanteng may problema sa ekonomiya, out-of-school youth, guro, administrador, mga manager, propesyonal, at ordinaryong empleyado, na ituloy ang mga programang pang-degree at non-degree na kurso sa mas mababang halaga at mas flexible na iskedyul.

Ang PUP Open University System Building ay pinondohan ng P50 milyon. 

Sabi ng opisyal na hangad ng institusyon ang makapagbigay sa mas maraming mga mag-aaral bawat taon ng kanilang mga pangangailangan para sa mas mahusay na mga pasilidad sa edukasyon na siya namang inuuna ng pamunuan ng PUP.

Idinisenyo ang gusali upang mabigyan ang unibersidad ng isang mas kaaya-ayang kapaligiran, na siya ring makakatulong sa pagsulong at pagpapaunlad ng akademiko at panlipunang pag-aaral para sa mga mag-aaral na nagtapos ng PUP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.