MAYROON nang bagong district director ang Manila Police District (MPD) matapos italaga sa posisyon si PBGen. Arnold Evangelista Abad.
Pinaltan ni Abad si dating MPD Acting PBGen. Benigno Guzman, na ilang buwan pa lamang din namumuno sa buong kapulisan ng Maynila.
Ang pagkatalaga kay Abad ay bilang bahagi ng malawak na reshuffle sa hanay ng Philippne National Police (PNP) sa utos na rin ni PNP Chief Nicolas Torre III.
Pormal na nagkaroon ng turnover ceremony sa MPD headquarters na pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen. Anthony Aberin, at dinaluhan ni Manila Vice Mayor Chi Atienza bilang kinatawan ni Mayor Francisco Domagoso.
Si PBGen. Abad, na dating Director ng Northern Police District (NPD), ay may malinis na track record sa serbisyo publiko. Bago ang kanyang pagtatalaga sa MPD, pinamunuan niya ang NPD kung saan nakamit ang isang generally peaceful na sitwasyon sa CAMANAVA area.
Ayon sa MPD, si Abad ay may karanasan bilang Deputy Director for Administration, PNP Training Institute; Chief of Staff, PNP Training Institute (PNPTI); Director, Cavite Provincial Police Office; at Chief of Administrative Division ng PNPTI.
Inaasahan ang kanyang pakikipagtulungan kay Manila Mayor Domagoso at ang pagpapatuloy ng mga programa ng Chief PNP at NCRPO.