Alegasyon ng tanim-bala, pinalagan ni Remulla; tinawag na “kalokohan”

“KALOKOHAN.”

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla tungkol sa alegasyon ng “tanim-buto” o sadyang inilagay lamang ang mga sako na hinihinalang naglalaman ng buto ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.

Ayon kay Remulla, itinuturing niyang bahagi ng pamumulitika ang alegasyon na mayroong tanim-buto sa isinagawang diving operation sa lawa.

Wala. Kalokohan yan,” saad ng kalihim.

This country is full of politics and troll farms, that they always want to spoil whatever good things that we can do as a country. That’s part of politics,” dagdag pa niya.

Umabot na sa limang sako na pinaniniwalaang naglalaman ng buto ng tao ang naiahon na sa Taal Lake sa patuloy na search and retrieval operations ng mga divers ng Philipine Coast Guard (PCG).

Isasailalim sa forensic examination upang makumpirma kung mga labi nga ito ng tao, at isasabay ang DNA testing upang matukoy kung ito ay tumutugma sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.