Bagong COVID-19 cases, mahigit 3,200 ngayong araw

Share this information:

NAPAKO pa rin sa mahigit tatlong libo ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong araw.

Umabot sa 3,276 ang bagong COVID-19 cases kaya’t nasa kabuuang 594,412 na ang tinamaan ng virus infection.

Sa nasabing bilang, nasa 36,043 pa ang aktibong kaso o patuloy na ginagamot sa iba’t-ibang pasilidad sa bansa.

Nakapagtala rin ngayong araw ng 10,516 recoveries dahilan para maging 545,853 na ang mga gumagaling sa sakit.

Ang bilang naman ng mga pumanaw ay nadagdagan pa ng  51 sanhi upang umakyat sa 12,516 ang namamatay sa COVID-19.

Samantala, muling nagpaalala ang DOH na bagamat may mga bakunang dumating sa bansa ay kailangan pa ring paigtingin ang pagsunod sa helath protocols at minimum public health standards upang manatiling protektado laban sa mga variant at mutation ng virus.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

38,400 AstraZeneca jabs arrived

Sun Mar 7 , 2021
SOME 34,800 doses of AstraZeneca vaccines finally arrived, completing the first batch of the jabs developed by the British biopharmaceutical firm. Vaccine czar Carlito Galvez formally received the AstraZeneca jabs coming from the World Health Organization’s COVAX facility, bringing to 525,600 the total of doses that the country has received from AstraZeneca. […]

Follow Us

%d bloggers like this: