Breaking News

Share this information:

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang hatol na walong taong pagkakabilanggo sa isang babaerong mister na nakiapid sa ibang babae sa kabila ng pagkakaroon ng legal na  asawa.

Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, tama ang naging hatol ng Zambales Regional Trial Court  na hatulan ng guilty sa paglabag sa Republic Act 9262, Section 5 ang babaerong mister. 

Ayon sa kataas-taasang hukuman, dumanas ng emotional abuse, kahihiyan, at hirap ng kalooban ang misis na niloko ng kanyang mister matapos nitong itira mismo sa kanilang tahanan ang kanyang kabit.

Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad din ang mister ng P100,000 bilang danyos at inatasan na sumailalim sa isang psychological counselling. 

Base sa salaysay ng misis, sa loob ng kanilang 23 taon na pagsasama ay lasenggero at babaero ang kanyang mister.

Nang mag-away sila noong 2010 ay pinalayas siya ng kanyang mister sa kanilang bahay at itinira sa bahay bilang kapalit niya ang kabit nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: