Babaeng may arrest warrant naharang sa NAIA

HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) ang isang babaeng pasahero patungong Doha Qatar matapos makita sa kanilang system ang warrant of arrest laban dito.

Kaugnay nito nakipag-ugnayan ang immigration sa NAIA Police station personnel  para sa pagsisilbi ng dalawang warrant of arest sa 32 anyos na pasahero sa NAIA Terminal 3.

Unang nag isyu ng warrant of arrest ang Municipal Trial Court,(MTC) Quezon City, Branch 140, dahil sa kasong paglabag sa batas pambansa o (Bouncing Check Law na may inirekomendang piyansang Php120,000.00.

Ang ikalawang warrant of arrest ay inisyu naman ng Municipal Trial Court, Branch 56, ng Makati City dahil naman sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11199 (Social Security Act of 2018), na may piyansang Php72,000.00.

Ang naarestong akusado ay dinala sa NAIA Police station para sa dokumentasyon habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant mula sa Korte.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.