Babae huli sa kasong human trafficking sa NAIA

ISANG babaeng empleyado ng sub-contractor company ng New NAIA Infra Corp (NNIC) ang hinuli ng National Bureau of Investigation (NBI) habang naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, kaugnay sa human trafficking sa babaeng pasahero na hinarang ng Bureau of Immigration (BI) patungong Malaysia. 

Batay sa ulat na nakarating kay NBI Director Jaime Santiago, hinuli si alyas “Molina”, empleyado ng subcontractor na Data Trail Corporation noonh Hunyo 5, sa NAIA Terminal 3, kung saan siya naka destino.

Naharang ng I-PROBES-NAIA Terminal 3 ang pasaherong si alyas “Glaizel” na papunta sana sa Malaysia noong Hunyo 4, 2025 dahil sa pekeng BI Border Stamp at Boarding pass. 

Sa affidavit niya, itinuro niya ang isa pang pasahero na si alyas “Mary” dahilan para maharang rin patungo ng Kuala, Lumpur. 

Sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang tumulong sa kaniya sa iligal na paglabas ng bansa ay si Molina at isang alyas “Fiona”,na nakilala niya sa pamamagitan ng pamangkin na nakatira sa Malaysia. 

Nagbayad si Mary ng P120,000.00 sa pamamagitan ng GCash kay Molina para alalayan sa departure at bibigyan siya ng escort dahil siya ay nagtatrabaho sa NAIA at may koneksyon sa BI officers. 

Si Fiona umano na nagpakilalang BI officer na nakatalaga sa NAIA 3 ang tumawag sa pamangkin ni Mary upang bigyan ng instruction sa proseso ng departure. 

Sa beripikasyon, nakumpirma na ang recipient sa GCash ay si Molina at empleyado ng nasabing subcon. 

Isinailalim na sa inquest proceedings si Molina sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Person Act of 2003) na inamyendahan ng RA 11862 (Expanded Anti-Trafficking inPerson ACT OF 2022).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.