Atty. Melvin Matibag bagong NBI Director

BINIGYAN ng kasiguruhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapatuloy ng serbisyo at misyon sa publiko sinuman ang maitalagang mamumuno.

Kahapon inihayag ni outgoing NBI Acting Director Atty. Angelito “Lito” Magno na matatag at may prinsipyong pamumuno ang kanyang panunungkulan, na may integridad, propesyonalismo, at matibay na dedikasyon sa serbisyo publiko, na nagpapatibay sa papel ng NBI bilang pundasyon ng hustisya at pananagutan.

Sa pagtatalaga ng Palasyo kay Atty. Melvin Matibag, isa aniyang, bagong kabanata sa patuloy na misyon ng serbisyo ng institusyon. Nagkakaisa ang organisasyon sa pagtiyak ng isang maayos at marangal na paglipat ng pamumuno.

Sa mensahe, sinabi ni Magno: “Serving as Director of the National Bureau of Investigation has been both an honor and a profound responsibility. I am deeply grateful to the dedicated agents and personnel who stood with me in upholding our mandate. I have full confidence that the Bureau will continue to carry out its mission with integrity, courage, and commitment under its new leadership.”

Siniguro ng NBI kay Director Matibag ang buong kooperasyon at matatag na suporta nito. 

Nanatiling matatag ang Kawanihan sa pangako nitong maghatid ng hustisya nang walang takot o pabor at maglingkod sa sambayanang Pilipino nang may lubos na dedikasyon — kahit sino pa ang mamumuno sa institusyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.