ARTA, kumilos na hinggil sa hinaing ng mga trucker

NGAYONG hapon ay inaasahang magpupulong ang mga kasapi ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) kasama ang ilang opisyal ng gobyerno na pangungunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Department of Trade and Industry (DTI), pati na din ang Philippine Ports Authority (PPA).

Umaasa ang mga kasapi ng CTAP na magbubunga na ng magandang resulta ang ginagawa nilang truck holiday o truck rest day.

Sa gaganaping pagpupulong, umaasa din ang CTAP na madidinig na ang kanilang panalangin, marinig ang posisyon ng bawat panig upang mag-resulta sa isang magandang pagkakasunduan.

Ayon kay Mary Zapata, Presidente ng Aduana Business Club sa ika-apat na araw nilang “silent protest” na itinuturing nitong “Thank You Caravan,” kailangan na ang lahat ay magkaroon ng support system para sa ikagaganda ng trabaho sa puerto.

Kung sakali namang hindi maganda at paborable ang kanilang pagpupulong sa kanilang asosasyon, ayon kay Zapata, ay kanila itong pag-iisipan at pagpaplanuhang mabuti ang kanilang susunod na gagawing hakbang.

“Ang caravan namin ngayon ay tuloy but we will be saying thank you for the effort of  everybody and we will just continue but it will be shortened because we would just like to give due respect for ARTA and other government  offices for the effort  that they have done,” dagdag ni Zapata.

Sinabi ni Zapata na kabilang sa kanilang mga sinulatan at hiningan ng tulong maliban sa ARTA at DTI ay Philippine Export Processing Zone Authority (PEZA), PPA, at ilang government offices tulad ng sa urban poor, pati si Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras at Sen. Bong Go.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.