Apat timbog sa Valenzuela buy-bust

Share this information:

Apat na hinihinalang drug personalities ang timbog sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernado Ortega ang naarestong mga suspek na si Daniel Yco Sr., 46, Juluis Taguines, 24, Ronel Galino, 31, pawang mga nasa watch list ng pulisya at mga residente ng Brgy. Ugong.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong 1 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ortega sa NPC Road, Brgy. Ugong.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover na operatiba na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, P400 bills at isang cellphone.

Nauna rito, bandang 6:30 ng gabi nang madamba din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa Manotoc St. Brgy. Marulas si Francis Fabian, 21 ng Constabulary St. Commonwealth, Quezon city.

 Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., nakumpiska sa suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy-bust money, P200 bill, dalawang cellphones at digital weighing scale.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.