PATAY na nang matagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/retrieval (SAR) operations ang apat sa siyam na mangingisdang nawawala matapos lumubog ang kanilang fishing vessel..
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, ang mga mangingisda ay nakilalang sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda.
Maalala na lumubog nitong nakaraang Huwebes ang FB St .Peter The Fisherman II sakay ang 31 mangingisda kung saan 22 ang nasagip habang siyam ang nawawala.
Sa pagpapatuloy na SAR operations ng PCG, natagpuan sa pinaglubugan ng fishing vessel ang apat na mangingisda habang nananatiling missing ang limang iba pa.
Kabilang rito sina:
1) Boat Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental)
2) Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental)
3) Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo)
4) Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental)
5) Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental) .