Apat, kalaboso sa baril, granada at shabu sa Caloocan

Share this information:

Arestado ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makupiskahan ng baril, granada at higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:30 ng gabi nang magkasa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCapt. Deo Cabildo ng buy-bust operation sa Phase 9 Package 8, Blk 86, Lot 2, Bagong Silang.

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon ng P7,500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Enrico Nolasco, 24 anyos, at Genesis Bolanos, 27 anyos, kapwa ng Bagong Silang.

Matapos iabot ng mga suspek ang isang medium plastic sachet ng shabu sa pulis-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga, buy-bust money, isang revolver na kargado ng limang bala at isang granada.

Bandang alas-11 naman ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng SDEU si Ferdinand Ortega, 45 anyos, tricycle driver ng Victoria St. Brgy. 66 matapos bentahan ng P6,200 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa 10th Avenue, Bulacan St. Brgy. 67, kasama si Armando Lazaro, 56 anyos, na umiskor din umano ng isang plastic sachet ng shabu kay Ortega.

Ani SDEU investigator PCpl. Erwin Delima, nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga at buy-bust money ang narekober kay Ortega.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bebot, arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas

Fri Jan 29 , 2021
Sa kulungan ang bagsak ng isang dalaga matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, 23 anyos, bar employee at  residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen. […]

Follow Us

%d bloggers like this: