Breaking News

Share this information:

ANIM na sabungero ang nasakote matapos salakayin ng pulisya ang isang ilegal na tupadahan sa Valenzuela City.

Kinilala ni District Special Operations Unit (DSOU) head PLt.Col. Jay Dimaandal ang mga naaresto na sina Michael Juguilon, 37 anyos, Valentin Nicolas, 69 anyos, Melchor Torrefiel, Jaime Padua, Alvin Lopez, 47 anyos, at Jun Ramos, 32 anyos.

Sa report ni PLt.Col.  Dimaandal kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ilegal na tupada sa Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLt. Glenn Mark De Vella saka sinalakay ang naturang lugar dakong alas-10:30 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Ayon kay DSOU investigator PMSgt. Julius Mabasa, nakumpiska ng mga operatiba sa lugar ang isang buhay na panabong na manok na may tari, isang patay na panabong na manok na may tari at P8,950 bet money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: