Anim arestado sa Caloocan dahil sa shabu

Arestado ang anim na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang company messenger at dalawang bebot matapos maaktuhan ng rumespondeng mga pulis na nagtatransaksyon ng ilegal na droga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Navelle Tanjuan, 31 anyos, Mandel Cuenca, 34 anyos, Arwin Gallardo, 36 anyos, company messenger, Joseph Aninon, 30 anyos,. Girlie Cruz, 31 anyos, at Ronaldo Razon, 37 anyos.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas 8:05 ng gabi nang makatanggap ng tawag sa telepono ang duty desk officer ng Tuna Police Sub-Station 1 mula sa isang concerned citizen at ipinalam ang hinggil sa nagaganap na transaksyon ng ilegal na droga sa Blk 18 Talaba Alley, Brgy. 28.

Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa naturang lugar upang alamin ang naturang report at naaktuhan nila ang apat na lalaki at dalawang babae na nagpapalitan ng isang maliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspek.

Narekober kay Tanjuan at Gallardo ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P680 ang halaga bawat isa, dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga ang nakuha kay Cuenca, tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P17,000 ang halaga ang nasamsam kay Cruz at Anino ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa 12 gramo at tinatayang nasa P81,000 ang halaga ang nakumpiska kay Razon

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.