Ama, dinakip dahil sa pangmomolestiya sa sariling anak

Share this information:

NAGWAKAS ang kahayupang ginagawa ng isang delivery man sa apat-na-taong gulang na anak nito na babae matapos magsumbong ang nakatatandang kapatid ng biktima sa kanilang ina na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek Sabado ng hapon sa Navotas City.

Hindi na muna ibinulgar ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang tunay na pangalan ng 48-anyos na suspek upang ma-protektahan ang pagkakakilanlan sa biktima matapos siyang madakip nina Pat. Dean Adrian Marc Macaraeg at Pat. Javy Lopez ng Sub-Station 2 sa kanilang tirahan sa Brgy. Tangos South dakong alas-4 ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, una nang ginawan ng kahalayan ng suspek ang kanyang paslit na anak nang dalhin niya ito sa isang abandonadong bahay sa kanila ring barangay kamakailan lamang.

Ang hindi batid ng lalaki, palihim na nasundan sila ng nakatatandang kapatid ng biktima na syang nakasaksi sa ginagawang pangmomolestiya sa bata.

Sa takot ay nanahimik muna ang magkapatid subalit nito lamang Biyernes ng umaga, Nobyembre 26, puwersahang isinama ng suspek ang anak sa loob ng banyo ng kanilang tirahan at dito ay muling inabuso sa pamamagitan ng pagdadaliri sa kaselanan ng bata.

Dito na ipinasiya ng magkapatid na isumbong sa kanilang ina ang kahayupang ginagawa ng sariling ama na nagresulta sa pagkakadakip sa manyakis na suspek.

Nahaharap sa kasong Incestuous Rape in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.