Alert Level 2, itinaas sa Taal Volcano

Share this information:

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 2 sa bulkang Taal dahil sa abnormal na mga aktibidad nito sa nakalipas na ilang araw.

Sa ipinalabas na bulletin ng PHIVOLCS, pinakahuling naitala ang 28 volcanic tremor episodes, apat na low-frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake na may mababaw na sukat na hindi hihigit sa 1.5 kilometro sa Taal Volcano Island.

Tumatagal ang mga pagyanig ng tatlo hanggang labing-pitong minuto at mataas umano ang tinatawag na seismic energy kumpara sa mga nakalipas na naitatala.

“The total number of volcanic tremor events has risen to 866 since the onset of increased activity on 13 February. In addition to these, a total of 141 low-frequency volcanic earthquakes (LFVQs) have occurred within one (1) kilometer depths beneath TVI and immediate vicinities,” ayon pa sa PHIVOLCS.

“Overall, seismic activity in the past month indicates increased magmatic and hydrothermal activity at shallow depths beneath TVI,” dagdag-abiso nito.

Sa ilalim ng Alert Lebel 2, ibinabala ng PHIVOLCS ang posibilidad na magkaroon ng magmatic activity na pupuwedeng maging dahilan ng pagsabog.

At Alert Level 2, evacuation is not yet recommended. However, the public is reminded that Taal Volcano Island is a Permanent Danger Zone (PDZ) and that entry into TVI, especially the vicinities of the Main Crater and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited,” pagdidiin pa ng PHIVOLCS.

Huling sumabog ang bulkang Taal nuong Enero ng nakaraang taon. (with reports from Cyrill Quilo)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.