PANSAMANTALANG nakalaya ang kontrobersiyal na aktor na si Kit Thompson matapos itong maglagak ng piyansa, ayon ito sa Tagaytay Police.
Inihayag ni Tagaytay Police Chief Police Lt Col. Rolando Baula na nagpiyansa ang aktor ng halagang P72,000 kahapon para sa kasong paglabag sa Section 5a ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and Children Act.
Kasama naman ni Thomspon ang kaniyang ina at dalawang abogado nang magpiyansa ito kahapon, dagdag ni Baula.
Naaresto ng mga pulis noong Marso 18 si Thompson matapos itong ireklamo ng pambubugbog sa isang aktres sa loob ng isang hotel sa Tagaytay.
Tumanggi namang magbigay ng dagdag na impormasyon si Baula dahil nasa korte na ang kaso, paliwanag nito.

