Aktibong mga kaso ng COVID-19 sa Bataan, lampas 2 libo na; buong probinsiya, isasailalim sa ECQ

Share this information:

LUMAMPAS na sa dalawang libo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bataan.

Ayon sa latest update na may petsang Agosto 3, 2021, pumalo na sa 2,017 ang active cases ng COVID-19 sa buong probinsya.

Pito naman dito ang panibagong kaso ng mga namatay kaya’t umakyat na sa 503 ang bilang ng mga Bataeñong binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Dahil sa patuloy na paglobo ng active cases sa Bataan ay nagpasya ang Bataan IATF na isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang buong probinsiya at ipapatupad ito kapag inaprubahan na ito ng National IATF on Emerging Infectious Diseases.

Samantala, umabot na sa 96,157 ang bilang ng mga Bataeño ang fully vaccinated kontra COVID-19, at 109,278 ang naturukan na ng unang dose, ayon kay Bataan Governor Albert Garcia.

Nitong Lunes at Martes ay binuksan na rin ang ika-20 at 21 vaccination sites sa Bataan. Ito ay ang SMC Ligtas Lahat vaccination site na matatagpuan sa Peninsula School sa Limay na kasalukuyang nagbibigay serbisyo sa mga manggagawa ng Petron at San Miguel Corporation (SMC).

Ang 1Bataan San Carlos COVID-19 Vaccination Center naman na matatagpuan sa bagong Health Center ng Brgy. San Carlos sa Mariveles, ay nagbabakuna na ng mga nabibilang sa priority groups A1-A4 na taga-Brgy. San Carlos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.