Mga bansang pababa ang COVID-19 cases, binalaan ng WHO

NAGPAALALA ang World Health Organization o WHO sa mga bansang bumababa ang kaso ng COVID-19 na manatiling alerto o vigilant.

Ayon kay Maria Van Kerkhove, ang technical lead for COVID-19 ng WHO, walang magnanais sa sitwasyon na matapos na alisin ang lockdown at naibababa na ang kaso ng virus infection ay muling magpapatupad ng lockdown dahil sa pagsipa na naman ng COVID-19 cases.

Diin ni Kerkhove, nasa kapangyarihan at kakayahan ng bawat bansa na mapanatiling mababa ang transmission rate ng COVID-19.

May mga bansa na aniya ang naipakita sa buong mundo na kayang maibaba o makontrol ang pagdami ng virus infections at manapatili itong kontrolado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.