ARESTADO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang 64-anyos na lalaki na sinasabing sangkot umano sa kaso ng ‘chop-chop’ na bangkay na nasa drum sa Binondo, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw.
Batay sa ulat mula kay Pasay City Police Station (CPS) Chief, P/Colonel Joselito De Sesto, madaling araw ng Pebrero 18, nang mahuli ang suspek matapos ang intelligence gathering, pakikipag-ugnayan sa Highway Patrol Group (HPG) at Manila Police District (MPD).
“From the moment the drum was recovered in Binondo, our personnel immediately pursued every lead, validated every piece of information, and coordinated closely with all concerned units. This arrest proves that through perseverance and teamwork, justice will prevail. We assure the public that our investigation will continue until all those responsible, especially the principal suspect, are brought before the law,” ani De Sesto.
Ayon pa kay De Sesto na kasabwat lang ang nadakip na si alyas “Victor” na siyang nagbiyahe ng drum patungo sa Maynila dahil ang principal suspect ay isang foreign national.
Nadiskubre ang bangkay sa drum ng alas 7:30 ng gabi ng Pebrero 15, 2026 nang ireport ng concerned inabandona sa Mel Lopez Boulevard, Barangay 275, Zone 3, Binondo.
Ang pinagsama-samang mga kuha ng CCTV, mga pahayag ng mga saksi , backtracking , pakikipag-ugnayan sa
building security personnel at follow-up validation ng mga leads ang naging daan sa pagtunton sa suspek.

