Trust fund ng OWWA tumaas ng P1Bilyon

SA loob ng isang taon simula Disyembre 2024 hanggang Disyembre 2025, tumaas ang Trust Fund ng P1 bilyong piso ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA).

Sinabi ni OWWA Administrator Atty. Patricia Yvonne Caunan,  nagawa nilang umakyat sa P21.3 bilyon hanggang Disyembre 2025 mula sa P20.3 bilyong Trust Fund noong Disyembre 2024 kaugnay na rin ng kanilang tapat at transparent na pamamahala sa pondo na pangunahin nilang mandato, pati na rin ang pagdami ng kanilang mga miyembro.

Dagdag pa ni Caunan mula  sa dalawang milyong myembro noong Disyembre 2024, nadagdagan ito ng 600,000 na bagong miyembro hanggang nitong Disyembre 2025.

Ang bawa’t miyembro ay nagbabayad ng US$ 25 na katumbas ng P1,485.75 sa pera ng Pilipinas.

Binigyan diin ni Caunan na naibabalik din sa mga miyembro ang kanilang ibinabayad na membership fee sa pamamagitan ng mga alagang OWWA na serbisyong may puso na kanilang madarama mula sa pag-alis hanggang sa muling pagbabalik sa bansa.

Aniya, kasama rito ang pagdaragdag nila ng 10,000 pang slots para sa mga bagong scholars kaya’t aabot na sa 25,000 ang ipamamahagi nilang scholarhip sa mga anak ng mga kauwalipikadong OFWs simula sa dating 15,000 slots.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.