Pulis timbog sa shabu sa Pasay City

ARESTADO ang isang aktibong pulis na miyembro ng Pampanga Provincial Police Office (PPPO) matapos makumpiskahan ng ilang gramo ng shabu sa comfort room sa loob isang kilalang fastfood chain sa Pasay City.

Base sa report mula sa tanggapan ni Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) Chief, P/Major Cecilio Tomas Jr., ang inaresto na may ranggong Police Corporal, 37 anyos, nakatalaga sa PRO3 Angeles City Police Station.

Dinakip ang pulis sa ikinasang buy bust operation pasado alas 10 ng gabi ng Marso 5 sa Jollibee Blue Bay Walk, sa Roxas Boulevard ng mga operatiba ng SPD-DDEU.

Nakumpiska sa pulis ang bitbit nitong ilegal na droga na tumitimbang ng 35 gramo at nagkakahalaga ng P285,000.

Nakuha din sa posesyon ng suspek ang kanyang dalang service firearm, mga bala, posas at PNP ID.

Sinasabing ang suspek umano na isang high value individual ay nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (ComprehensiveDangerous Drug Act of 2002), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.