Tatlong puganteng South Korean, ipapa-deport ng BI

TATLONG puganteng South Korean ang ipatatapon palabas ng Pilipinas, ayon sa Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa, pagtitiyak ng ahensiya.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ilalagay rin sa blacklist ang tatlong dayuhan para hindi na kailanman makabalik sa bansa.

Nahuli ang tatlong pugante sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Paranaque at Quezon na pawang may kasong kinakaharap dahil sa illegal na online gambling sa South Korea.

Sa impormasyon na nakuha ng BI, kumita na umano ng US$1.4 million ang ilegal na operasyon ng mga dayuhan gamit ang kanilang gambling website.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.