PINADIDISKWALIPIKA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang katunggali sa darating na 2025 national and local elections na si Sarah Rowena Discaya
Ito ay makaraang maghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) si Sotto laban sa negosyanteng si Discaya dahil sa umanoy pagkakaroon nito ng koneksyon sa Joint Venture Company ng Miru System Company Limited.
Ang Miru System Company Limited ang siyang technology provider ng Comelec para sa 2025 Midterm election.
Si Discaya ,ayon kay Sotto ang may-ari ng St. Gerard Construction Company na may koneksyon sa St. Timothy, ang financial partner ng Miru System Company Limited.
Malakas umano ang hawak niyang mga ebidensya na magpapatunay na konektado si Discaya sa Miru System kung kayat dapat lamang itong ma-disqualify sa pagiging kandidatong alkalde ng Pasig City

