Positivity rate ng COVID-19 sa buong bansa, bumaba – DOH

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng positivity rate o ang bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Tinukoy ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tagapagsalita ng DOH, na kung noong nakaraang linggo ay nasa 3.2 percent ang positivity rate, umaabot ito sa ngayon sa 2.7 percent sa buong Pilipinas.

Sa National Capital Region (NCR) naman, sinabi ni Vergeire na bumaba rin ang positivity rate sa 2.6 percent mula sa 2.8 percent noong nakaraang linggo.

Gayunman, ipinaalala ni Vergeire na bagama’t bumababa ang nagpopositibo sa virus infection sa bansa ay hindi nangangahulugan na magpapabaya na ang publiko at hindi na susunod sa minimum public health standards.

Sinabi naman ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na hangga’t hindi lumalagpas ang positivity rate sa bansa sa 5 percent ay wala pang dapat ikabahala sa ngayon ngunit mahalaga pa rin ang pag-iingat at dagdag na proteksyon.

Samantala, nabanggit din ni Vergeire na nananatiling nasa minimal o low risk ang classification sa lahat ng rehiyon sa bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso na bagama’t hindi makararating ng zero ay masasabing manageable o kaya pang pangasiwaan ang sitwasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.