49 milyong official ballot, naimprenta na — Comelec

NAIMPRENTA na ang halos 74 porsiyento o katumbas ng mahigit 49 milyon na mga balota sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), ito ay bahagi ng mahigit 67 milyong official ballot na kailangang matapos bago ang halalan sa Mayo 9, 2022.

Sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 na porsiyento, kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR).

“Out of the 13 regions. including Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and Cordillera Administrative Region (CAR), we already printed 73.7 percent. Almost all are already 100 percent printed except for National Capital Region (NCR),” ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, head ng printing committee ng Comelec sa isang press briefing.

Samantala, sinabi nitong nakapag-imprenta na rin ang Comelec ng 4,755,360 mula sa kabuuang 7,289,791 na balota para sa Central Luzon.

Sa NCR, nasa kabuuang 7,322,361 naman ang nakatakdang iimprenta ng poll body.

Iniulat din nito na ang manual ballots para sa Local Absentee Voting  (LAV) na may kabuuang 60,000 ay nakumpleto na rin.

Ang manual ballots naman para sa Office For Overseas Voting (OFOV) na may bilang na 79,800 at ang karagdagang 145 OFOV manual ballots para sa Philippine Embassy sa Rabat sa Morocco ay tapos na.

Samantala, nasa kabuuang 86,280 na mga balota para sa 63 barangay sa North Cotabato na bahagi ng  BARMM ang tapos na ring ma-imprenta.

Enero nang simulan ng Comelec ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.