Presyo ng hotdog, nagtaas na

TUMAAS na ang presyo ng hotdog sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa Muñoz Market sa Quezon City, limang piso na ang itinaas ng ilang brand ng hotdog.

Ang dating P130 na presyo sa kada labing-anim na piraso ng hotdog ay tumaas na sa ngayon at mabibili na sa halagang P135.

Ang dating P40 para sa isang balot ng hotdog ay pumalo na sa P45 ang bentahan sa merkado.

Ang dati namang bentahan na sampung piso kada piraso ng hotdog, ngayon ay nasa onse pesos na.

Ayon sa mga nagtitinda, bunsod ito ng pagmahal ng presyo ng harina na isa sa mga sangkap sa paggawa ng hotdog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.