Wire cable factory, itatayo sa Hermosa Ecozone

GINANAP kahapon ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Aluminum Wire Cable Factory ng Sumi Philippines Wiring Systems Corporation (SPWSC) sa Hermosa Ecozone Industrial Park, Hermosa, Bataan.

Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, na siyang panauhing pandangal, ang pagbubukas ng wire cable company sa kanilang bayan ay isang malaking oportunidad para mabigyan ng trabaho ang mga Hermoseños pati mga mamamayan ng mga karatig bayan.

Bukod dito, magiging daan din ito upang madagdagan ang kita bayan ng Hermosa na magagamit naman ng pamahalaang bayan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ng Hermosa.

Dumalo din sa naturang okasyon sina Takeshi Fujimi, Presidente ng SPWSC, Eric Mercado, Minoru Kawashima, Hidekatsu Hotta, Tomonori Nakagawa, at Akio Inoue, Presidente ng CAISEI Philippines Construction.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.